PESTE SA PANANIM | State of Calamity, idineklara sa bayan ng Sta. Catalina, Ilocos Sur

Ilocos Sur – Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan Board ng Ilocos Sur ang resolusyong magdedeklara ng state of calamity sa Bayan ng Sta. Catalina.

Dahil dito, nakahandang tumulong ang Provincial Government sa mga magsasakang napeste ang kanilang repolyo at cauliflower na tinatawag na “Tarzan.”

Sa tala ng Municipal Agriculture Office, 30 ektaryang mga halaman ang napeste at nabutasan ang mga dahon.


Hindi na ito pwedeng mapakinabangan pa kaya’t agad na humingi ng tulong ang mga magsasaka para makabawi sila at makapag-simula muli ng pagtatanim.

Facebook Comments