‘Pet bottle for a plant,’ isasagawa sa lungsod ng Makati bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang founding anniversary

Courtesy: MyMakati Facebook page

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Makati City ng kanilang 354th founding anniversary, magsasagawa ang lungsod ng ‘pet bottle for a plant’ activity bukas.

Katuwang ang Parks and Green Division ng Department of Environmental Services ay gaganapin ang aktibidad sa Makati City Hall Quadrangle bukas, June 21, mula alas-7:00 ng umaga.

Sa proyektong ito ay inaasahang magdala ang mga lalahok ng recyclable waste or materials gaya ng platic bottles, papel o karton, na maaaring ipalit sa kanilang mapipiling halaman o binhi.


Inaanyayahan naman ni Mayor Abby Binay-Campos ang lahat ng residente na makiisa sa aktibidad at isulong ang pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad.

Facebook Comments