Proteksyon kontra rabies upang maiwasan ang panganib na dulot ng kagat ng alagang hayop, ito ang pangunahing layunin ng isasagawang libreng Anti-Rabies Vaccination sa bayan ng Asingan.
Target ng programa ang mga pet owners na may alagang hindi pa nababakunahan, upang matiyak na hindi na madadagdagan ang mga kaso ng rabies sa komunidad.
Bukod sa bakuna, maaaring makapagpakonsulta at mabigyan ng bitamina ang mga alaga para sa kanilang kalusugan.
Nagpaalala naman ang Municipal Agriculture Office sa publiko na iwasang makisalamuha sa mga ligaw na hayop at agad magtungo sa ospital sakaling makagat.
Gaganapin ang aktibidad ngayong araw mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali sa Asingan Public Auditorium. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








