Pet Vaccination at Deworming gagawin sa RH 10

Magkakaroon ng Free Vaccination, Deworming, at pagbibigay ng bitamina para sa mga alagang hayop bukas sa ganap na alas otso hanggang alas dose ng tanghali sa RH 10 sa labas ng Sto Nino Chapel.
Ito ay alinsunod sa kapistahan ng Sto Nino na magaganap na sa linggo.
Ayon kay Dr. Zulficar Panda, isang beterinaryo, ang hayop na kabilang sa programa ay kinakailangang nasa edad tatlong buwan at higit pa.
Dagdag pa niya, mas mabuting bakunahan ang alagang hayop ng maaga upang sa batang edad nito ay maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit na maaaring maging sanhi ng pagkamatay nito. (Jessa Ocampo Fuentes 3rd year BAComm)

Facebook Comments