Labas- pasok pa rin sa loob ng Camp Crame si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang alyas Bikoy na nasa likod ng “Ang totoong Narcolist video” kahit wala na sa protective custody ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesperson Police B/Gen. Bernard Banac, bumabalik si Advincula sa Crame kapag may ginagawang paglilinaw ang CIDG sa kanyang affidavit.
Ngunit paglilinaw ni Banac, walang mali dito dahil siniguro lang nila na tama ang mga nakuha nilang impormasyon para umusad ang imbestigasyon.
Noon, tinawag na sinungaling ng PNP si Advincula pero hindi kinalaunan ay sila rin ang nagsampa ng kasong inciting to sedition kay Vice President Leni Robredo at 35 na iba pa at testigo nila si Advincula.
Facebook Comments