PETISYON | Grab – naghain na ng petition for fare hike

Manila, Philippines – Hindi masabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra kung kailan maglalabas ng resolusyon ang ahensya kaugnay ng inihaing petition for fare hike ng Transport Network Company na Grab.

Kaninang umaga nang maghain ng petisyon ang Grab sa hirit nilang karagdagang P2 per minute charge at paniningil ng P60 na base fare mula sa dating P40.

Tiniyak naman ni Delgra na walang epekto sa magiging desisyon ng board ang P10-milyong naging multa kamakailan ng Grab dahil sa overcharging.


Aniya, anuman ang maging desisyon ng LTFRB, tiyak na nakasaalang-alang dito ang interes ng mga pasahero.

Samantala, balak ng LTFRB na plantsahin ang fare structure ng lahat ng tnc habang pinag-iisipan din nitong magpatupad ng fare matrix gaya ng sa public utility vehicles.

Facebook Comments