Petisyon kaugnay ng Ilocos 6, muling ni-raffle matapos mag-inhibit ang mga hukom ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Nauwi sa re-raffle ang petisyon ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at ng tinaguriang “Ilocos 6” laban sa Kamara matapos mag-inhibit ang mga hukom ng Korte Suprema.

Ito’y makaraang mag-inhibit si Associate Justice Diosdado Peralta sa kaso dahil kamag-anak niya ang respondent na si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na nag-paimbestiga sa Kamara ng paggamit ng tobaco excise tax fund.

Bukod kay Peralta, nag-inhibit din sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Andres Reyes.


Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, walang dahilan na binigay ang mga hukom na unang nakatanggap ng petisyon.

Si Peralta ang nagpasumpa kina dating first lady Imelda Marcos at dating Sen. Bongbong Marcos sa kani-kanilang pwesto noong 2010.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments