Petisyon kontra TRAIN Law, binasura ng Korte Suprema

Pinagtibay ng Supreme Court En Banc ang pagkakapasa ng TRAIN Act o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.

Ito ay matapos na ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ng ACT Teachers at Laban Konsyumer Inc., laban sa pagkakapasa ng Kongreso sa nasabing batas.

Batay sa desisyon ng Supreme Court, walang batayan ang argumento ng petitioners na walang naging quorom sa Kongreso nang ipasa ang TRAIN Act.


Iginiit din ng high tribunal na sa ilalim ng constitution ay hindi ipinagbabawal ang pagpapatupad ng regressive taxes.

Nabigo rin anila ang petitioners na patunayan na anti-poor ang nasabing batas.

13 mga mahistrado ng Kataas-Taasang Hukuman ang bumoto pabor sa pagbasura ng petitions, isa ang nag-abstain at isa ang nag-dissent.

Respondents naman sa petitions sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng Duterte administration.

Facebook Comments