Petisyon laban sa Comelec kaugnay noong Eleksyon 2022, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na humihiling na atasan ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng pampublikong konsultasyon sa sistema ng automated na botohan na gagamitin sa bansa.

Partikular na dinismis ng Supreme Court en banc ang petisyon ng Kilusan ng Mamamayan para sa Matuwid na Bayan at mga kaalyado nitong samahan.

Idinismiss din ng Korte ang hiling na magpalabas ang Comelec ng patakaran o implementing rules and regulations (IRR) sa automated election systems.


Hindi rin nito pinagbigyan ang hirit na Temporary Restraining Order (TRO) ng mga petitioner na huwag gamitin ang kompanyang Smartmatic at mga makina nito tulad ng vote counting machines noong nakalipas na Eleksyon 2022.

Batay sa 13 pahinang desisyon, nabigo ang mga petitioner na patunayan ang kanilang mga alegasyon.

Facebook Comments