MANILA – Ibinasura na kahapon Ng Korte Suprema ang petisyon na humihingi ng Temporary Restraining Order o Writ of Preliminary Injuction para pahintuin ang implementasyon ng k-12 Program.Inihain sa Korte Suprema ang petisyon laban sa pagpapatupad ng Dept. of Education na palawigin ang basic education hanggang grade 12.At dahil tuloy na tuloy na ito, mahigit 20,000 mga guro ang mawawalan ng trabaho sa loob ng limang taong (year) transition period ng k-12.Ibig sabihin, sa Hunyo na mararamdaman ng mga first year college instructor ang epekto ng K-12… kung saan sa susunod na semestre – wala silang matuturuang mga first year college students.Ito ay dahil tutuloy pa muna sa grade 11 at 12 ang mga estudyante sa senior high school.Sa loob ng 5-year transition period ng k-12… mula ngayong schoolyear hanggang 2021 – 23,000 teaching and non-teaching personnel sa kolehiyo ang mawawalan ng posisyon.Ayon kay COTESCUP o Council of Teachers and Staff of Colleges and universities in the Philippines Lead Convenor Rene Luis Tadle – pwede naman siyang magturo sa senior high school na alok ng Dept. of Education pero maliit lang ang sweldo rito.Sabi naman ng commission on Higher Education, may nakalaan na walong bilyong piso sa mga guro na mawawalan ng hanapbuhay sa schoolyear 2016-2017.Pwede naman daw bigyan ng 28,000 pesos na pang-enroll ang mga guro na gustong mag-masteral o phd habang nasa transition period ang k-12.Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Education Sec. Armin Luistro sa Korte Suprema sa pagbasura ng nasabing petisyon.
Petisyon Laban Sa Pagpapatupad Ng K-12 Program – Ibinasura Ng Supreme Court
Facebook Comments