Petisyon laban sa permit system at Oplan Baklas ng COMELEC, suportado ni Senator Leila de Lima

Sinuportahan ni Senator Leila de Lima ang mga inihaing petisyon laban sa permit system ng Commission on Elections (COMELEC) at ang kontrobersiyal na Oplan Baklas.

Ayon kay De Lima na isa ring dating election lawyer, hindi maaaring pakialaman ng COMELEC ang karapatan ng bawat tao na sumuporta sa kanilang kandidato lalo na kung ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang sariling inisyatibo.

Matatandaang naghain ng petisyon ang supporters nina presidential aspirant Vice President Leni Robredo na layong ipatigil na ang resolusyon na nagre-require muna ng permits para magsagawa ng campaign activities.


Sabi pa ng senadora, napipigilan nito ang freedom of speech at freedom of expression para sa pagkakampanya sa mga napiling kandidato.

Bukod diyan, suportado rin ni De Lima ang petisyon na inihain naman sa Korte Suprema na kumekuwestiyon sa Oplan Baklas.

Hindi aniya saklaw ng regulation size sa ilalim ng Fair Elections Act ang mga campaign materials na inilagay ng mga ordinaryong supporters lalo na kung nasa kanila namang private property.

Facebook Comments