Petisyon na inihain ng Kapa sa Korte Suprema, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng Kapa-Community Ministry International.

Kaugnay ito ng closure order na pinatutupad ng gobyerno sa Kapa.

Ayon sa Korte Suprema – wala silang nakitang merito sa petisyon ng Kapa donor na Rhema International Livelihood Foundation Inc. o Cirfund laban sa Malakanyang at sa Securities and Exchange Commission (SEC).


Hindi na rin binigyan ng Supreme Court (SC) ng pagkakataon ang Kapa at maging ang respondents na makapaghain ng komento o tugon sa petisyon, bukod sa hindi na rin idinaan sa deliberasyon ang petisyon dahil nga sa kawalan ng merito.

Una na ring hinirit ng Cirfund na pagbayarin ng tatlong bilyong pisong danyos sina Pangulong Duterte at SEC Chairman Emilio Aquino.

Nais din ng grupo na mapatalsik sa pwesto ang Pangulo sa pamamagitan ng impeachment process dahil daw sa paglabag sa konstitusyon partikular ang Culpable Violation ng Article 2, Section 6 at Article 3 o ang Bills of Rights of the Philippine Constitution.

Facebook Comments