Pormal nang kinuwestiyon sa Korte Suprema ang pagiging naaayon sa Saligang Batas ng 2025 national budget.
Ito ay matapos maghain ng Petition for Certiorari and Prohibition sina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Congressman Isidro Ungab at ilan pang petitioner laban sa ilang bahagi ng General Appropriations Act ngayong taon.
Ayon kay Rodriguez, hinihiling ng petisyon na maisantabi at ipawalang bisa ang 2025 budget na tinawag nilang iligal, kriminal at unconstitutional.
Kasabwat umano ng mga mambabatas na hindi tumutol sa pagpasa ng Bicam report sa umano’y biggest money heist dahil sa blangko sa ilang bahagi ng Bicam report.
Kasama sa tinukoy ng mga petitioner sa kanilang petisyon ang bahagi na tumutukoy sa pondo para sa acronym na Department of Agrarian Report o DAR, National Irrigation Administration o NIA, at Philippine Coconut Authority o PCA na may blangkong espasyo para sa halaga ng pondo.
Una na ring itong kinuwestiyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.