Ibinasura ng Supreme Court ang petition na inihain ni ex-Law Dean Jaime Ibañez na kumukuwestiyon sa Bayanihan Law at iba pang quarantine measures.
Ayon sa Korte Suprema, bigo ang petitioner na makapagpakita ng katibayan na nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan o grave abuse of discretion sa pagpapatupad ng respondents ng nasabing batas.
Kabilang sa respondents sa petisyon sina Department of Health Secretary Francisco Duque III, Cabinet Secretary Karlo Nograles at ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Magugunita noong April 29, 2020, nagpalabas ang task force ng omnibus guidelines sa pagpapatupad ng community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments