Wednesday, February 4, 2026

Petisyon na kumukwestiyon sa constitutionality ng ICI, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Supreme Court en banc ang petisyon na kumuwestiyon sa constitutionality ng Executive Order No 94 na nagtatag sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Sa resolusyong isinulat ni Associate Justice Samuel Gaerlan, nabigo ang mga petitioner na sina Jacinto Paras, Manuelito Luna, at Atty. Ferdinand Topacio na sumunod sa basic requirements para sa judicial review.

Ito’y nang labagin nila ang hierarchy of courts doctrine nang direkta nilang isampa sa Korte Suprema ang petisyon nang hindi pinapadaan sa lower court.

Binigyang diin ng SC na itinatag ang ICI bilang independent ad hoc fact-finding body para mag- imbestiga sa mga alegasyon ng anomalya sa mga government flood control projects sa buong bansa.

Iginiit pa ng SC na walang naipakitang aktwal na kaso ang mga petitioner na magpapatunay na na labag ang kanilang mga karapatan o nakaapekto sa kanila ang EO.

Sa petisyon isinampa ng mga petitioner, kanilang iginiit na nilabag ng EO 94 ang equal protection clause, hindi pagkilala sa legislative power ng Kongreso, Office of the Ombudsman at ng  Commission on Audit (COA).

Facebook Comments