Petisyon na kumukwestyon sa ligalidad ng PDP-Laban ni Sen. Koko Pimentel, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura na ng Korte Suprema ang petisyon na kumukwestyon sa pag-apruba ng Comelec sa isinumiteng mga dokumento ni Sen. Aquilino Koko Pimentel III partikular ang listahan ng kanilang mga signatories sa Partido Demokratiko.

Ayon sa SC, nabigo ang petitioner na si Rogelio Garcia, National President ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan na patunayang umabuso sa kapangyarihan ang Comelec nang ideklara nitong lehitimo ang Sworn Information Update Statement o SIUS at ang listahan ng mga awtorisadong signatories nito na inihain sa Comelec ni Sen. Koko Pimentel noong November 28, 2018 para sa May 13, 2019 National at Local Elections.

Iginiit ng Korte Suprema na tama ang naging aksyon ng Comelec nang aprubahan nito ang mga dokumentong isinumite ni Pimentel dahil wala rin namang direktang kumukwestyon noon sa legitimacy ng grupo nito at sa pagiging opisyal ni Pimentel ng PDP-Laban.


Dahil dito, patuloy lamang na kinikilala ng Komisyon ang mga opisyal ng PDP -LABAN bilang mga lehitimong opisyal nito na awtorisado o may karapatan na umaksyon sa panig ng PDP-Laban.

Ibinasura din ng SC ang hirit ng petitioner na Temporary Restraining Order at Preliminary Injunction laban sa PDP-Laban.

Facebook Comments