Petisyon na nagpapahinto sa COVID-19 mandatory vaccination, inihain sa korte

Pinatitigil at pinadedeklarang unconstitutional sa Supreme Court ng ilang grupo ang COVID-19 mandatory vaccination.

Kabilang sa mga petitioner ay mga miyembro ng COVID-19 Call to Humanity (CCH), Concern Doctor and Citizens of the Philippines at Legal Lightworkers for Life and Liberty na pawang binubuo ng mga doktor, scientist, abugado, guro at iba pa.

Ang mga respondent naman ay mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pangunguna ni Health Sec. Francisco Duque III.


Sa nasabing petisyon, hinihiling ng mga petitioner na maglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) at ideklarang null and void ang mandatory vaccination dahil labag sa kondisyon ng Pilipinas at international law ang patakaran ng IATF sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Giit ng lead petitioner na si Nicanor Perlas, naniniwala silang malakas at komprehensibo ang kanilang petisyon na nasa 150 pages at suportado ng 1,000 pahinang annexes at mga ebidensya.

Facebook Comments