Petisyon ng ABS-CBN, napunta sa babaeng mahistrado ng Korte Suprema

Matapos na mai-raffle nitong nakaraang Lunes, napunta ang kaso ng ABS-CBN sa isang babaeng mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon sa Supreme Court insider, napunta ang petisyon kay Supreme Court Associate Justice Estela Perlas-Bernabe.

Ang naturang mahistrado ang siyang naglabas ng resolusyon noong nakaraang linggo na nagbabasura sa kahilingan ng isang Atty. Dino de Leon na maisapubliko ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte simula nang manungkulan ito bilang pangulo ng bansa.


Una nang naghain ng Petition for Certiorari and Prohibition ang ABS-CBN na humihiling  na mag-isyu ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order sa ipinalabas na Cease and Desist order ng National Telecommunications Commission laban sa nasabing network.

Facebook Comments