Petisyon ng biyuda ni yumaong CJ Renato Corona para sa pagkolekta ng benepisyo, kinatigan ng Korte Suprema

Idineklara ng Korte Suprema na kwalipikado si yumaong dating Chief Justice Renato Corona para tumanggap ng kanyang mga benepisyo at iba pang allowance.

Base ito sa petisyong inihain ng maybahay ni CJ Corona na si Ginang Ma. Cristina Roco-Corona matapos itong patalsikin noon sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment noong May 29, 2012.

Sa 25 pahinang desisyon na ipinonente ni Associate Justice Ramon Paul Hernando at pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta, iniutos ng Korte Suprema na kwalipikado ang yumaong punong mahistrado sa nasabing mga benepisyo


Katumbas ito ng limang taong lump sum ng sahod ni Corona at iba pang allowance na tinatanggap sa panahon ng pagkaka-impeach sa kanya noong 2012.

Facebook Comments