Ibinasura na ng Supreme Court En Banc ang petisyon na isinampa ng ilang partylist groups na kumukuwestyon sa mga idineklarang nanalong partylist group noong 2019 election.
Ilan sa mga kumuwestyon ay ang Aksyon Magsasaka-Tinig Partido ng Masa, Serbisyo sa Bayan, at Angkla kung saan nais nilang maipaliwanag ang legalidad ng Section 11 (b) ng Republic Act No. 7941 o ang Party-List System Act.
Napag-alaman na ang mga petitoners ay nasa ika 52, 53 at 54 na puwesto noong nakaraang halalan at kanilang inilalaban ang double counting ng boto pabor sa isang partylist ang section 11 na probisyon sa batas.
Ayon sa Korte Suprema, ang interpretation ng Section 11 (b) ng Republic Act 7941 ay matagal nang tinapos ng korte sa kaso ng Barangay Association for National Advancement and Transparency (BANAT) noong 2009.
Nilinaw ng SC na sa nasabing kaso ang lahat ng paraan at method kung paano ilalaan ang pwesto para sa partylist.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang ginawang proklamasyon ng Commission on Elections (COMELEC) sa 51 nanalong partylist groups noong 2019 elections at iginiit na mananatili ang formula sa paglalaan ng congressional seats para sa mga representative nito.