
Makikipagpulong bukas si Senate President Chiz Escudero sa Senate legal team para talakayin ang petisyong inihain ng Kamara na mag-isyu na ang Senado ng “writ of summons” kay Vice President Sara Duterte kaugnay pa rin sa napipintong impeachment trial nito.
Ayon kay Escudero, hindi pa niya nakikita o nababasa ang petisyon ng Kamara.
Ire-refer at isasangguni niya ito sa Senate legal team para mapag-aralan ang petisyon ng Kamara.
Dagdag pa ni Escudero, kanila itong aaksyunan ng naaayon at sa takdang panahon.
Nakasaad sa petisyon ng House of Representatives ang apela kay Escudero na bilang presiding officer ay mag-isyu na ng writ of summons kay VP Duterte at atasang sagutin ang articles of impeachment laban sa kanya sa loob ng sampung araw.
Facebook Comments