Cauayan City, Isabela- Ibinasura ng 16th Division ng Court of Appeals ang petisyon na inihain ng kumpanya ng minahan na Oceana Gold Philippines (OGPI) sa Probinsya ng Nueva Vizcaya.
Batay sa inilabas na desisyon, bigo ang nasabing kumpanya na magpatuloy sa operasyon sa ilang hindi maipaliwanag na sitwasyon matapos na maghain ng petisyon kamakailan ang minahan laban sa pagtatanggal sa ibinabang restraining order.
Matatandaang ibinasura din ng Regional Trial Court Nueva Vizcaya ang petisyon ng nasabing kumpanya ng minahan lalo pa at nagpapatuloy ito sa operasyon sa kabila ng kulang sa permit na dahilan ng paglalagay ng barikada para maiwasan ang pagpasok ng mga saasakyan ng kumpanya.
Kung maaalala, nagpaso ang financial and technical assistance agreement (FTAA) ng kumpanya noong Hunyo 2019 dahilan para ipara ang operasyon ng minahan.
Ikinatuwa naman ni Governor Carlos Padilla ang naging desisyon ng korte at patunay lamang na walang karapatan para sa muling pagbubukas ng operasyon.
Sa ngayon ay wala pa ring tugon ang tanggapan ni Pangulong Duterte sa renewal ng FTAA kahit na mayroon ng rekoemndasyon ang Department of Environment and Natural Resources at Mines and Geosciences Bureau.