
Tiniyak ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na tuloy ang impeachment proceedings ngayong araw sa House Committee on Justice laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay kahit naghain ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court ang mister ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio, na humihiling ng 72-hour o 20-day temporary restraining order laban sa subpoena ng komite sa Bureau of Internal Revenue.
Si BIR Commissioner Atty. Charlito Martin Mendoza ay nauna nang pinadalhan ng subpoena ng komite upang tumestigo sa impeachment hearing at isumite ang original o certified true copies ng Annual Income Tax Returns nina VP Sara Duterte at Carpio mula 2007 hanggang 2025, pati na ang iba pang dokumentong may kaugnayan sa kanilang mga negosyo.
Giit ni Ridon, may karapatan at kapangyarihan ang House Justice Panel na humiling ng mga dokumentaryong ebidensya na may kaugnayan sa pagdetermina ng probable cause sa mga impeachment complaints laban kay VP Duterte.










