Binasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng Now Telecom Company sa pagpasok sa bansa ng ikatlong telecom company.
Pinagbasehan ng Appelate Court ang naunang pagbasura ni Manila RTC Branch 42 Judge Dinnah Topacio sa kahilingan ng Now Telco na ipatigil ang bidding process sa pagpasok ng ikatlong telco player.
Wala ring nakita ang Court of Appeals na naging pag-abuso ni Judge Topacio sa naging desisyon nito.
Magugunitang nitong Nobyembre ay naideklara ang Mislatel Consortium bilang ikatlong player, kung saan ang China Telecom ay magkakaroon ng 40-percent stake sa Mislatel.
35 percent naman ang magiging share ng Udenna Corp. at 25 percent sa Chelsea Logistics.
Binasura naman ng National Telecommunications Company ang bidding process ng PT&T at SEAR Telecoms.