Petisyon ng Senado na nagpapawalang bisa sa kautusan ni Pangulong Duterte na huwag dumalo ang kaniyang gabinete sa pagdinig, ipinauubaya na sa OSG

Ipinauubaya na ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang tugon sa petisyon ng Senado na nagpapawalang bisa sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagdinig tungkol maanomalyang paggamit ng gobyerno sa COVID-19 funds.

Ito ay matapos pagbawalan ng pangulo ang kaniyang gabinete at ilang miyembro ng Ehekutibo na dumalo nasabing pagdinig.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hawak na ng Malacañang ang kopya ng petisyon at inaasahang ipapadala na ito sa OSG sa mga susunod na araw.


Pero giit ng kalihim, una nang sinabi sa kaniya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na matigas ang pangulo sa pagpapatupad ng kaniyang kautusan.

Facebook Comments