Petisyon ng tatlong magkakapatid na Duterte, pinagsama-sama na ng Korte Suprema; respondents, binigyan ng 24 na oras para magpaliwanag

Binigyan ng 24 oras ng Korte Suprema ang respondents kaugnay sa tatlong petisyon na inihain para pabalikin sa bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos matanggap ng SC ang tatlong magkakahiwalay na petisyon mula sa magkakapatid na sina Davao City First District Representative Paolo Duterte, Mayor Baste Duterte at dating presidential daughter na si Kitty.

Ayon sa Korte Suprema, kinon-solidate o pinagsama-sama na ang tatlong petisyon na inihain ng magkakapatid.


Inatasan naman ang respondents na magpaliwanag sa loob ng 24 na oras kung bakit hindi maglabas ang SC ng writ of habeas corpus na hinihiling ng petitioners.

Respondents sa petisyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Jonvic Remulla, at Philippine National Police o PNP Chief General Rommel Marbil.

Facebook Comments