Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang pagsibak ng Office of the Ombudsman kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Si Mabilog ay isa sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa listahan ng mga “narco-politician.”
Ayon sa Court of Appeals, mali ang paraan ng apela ni Mabilog dahil ang petisyon nito ay batay sa Rule 65 ng Rules of Court , sa halip na Rule 43.
Sa desisyon ng Ombudsman na may petsang October 6, si Mabilog ay pinatawan ng “dismissal from the service” kung saan pinagbatayan dito ang substantial evidence sa serious dishonesty dahil sa iligal na pagkamal ng yaman.
Kasama rin sa desisyon ng Ombudsman ang kanselasyon ng civil service eligibility ni Mabilog, at hindi na siya papayagang makabalik sa alinmang posisyon sa gobyerno.