
Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na atasan ang pamahalaan na ilabas ang umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Batay sa naging aksyon ng Supreme Court En Banc ngayong Martes, tinanggihan ang very urgent motion ng mga petitioner na naglalayong atasan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsumite ng kopya ng ICC warrant na sinasabing hawak niya batay na rin sa ilang ulat.
Matapos hindi paboran ang mosyon, inatasan naman ng Kataas-taasang Hukuman ang Department of Justice, Department of Foreign Affairs, at iba pang respondent na magsumite ng komento sa loob ng sampung araw.
Samantala, hindi pa dinidesisyunan ng SC ang pangunahing petisyon na inihain nina Dela Rosa at kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu ng pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC at ang hiling para sa preliminary injunction.









