Petisyon ni Sen. Leila de Lima na humihiling na makasama sa mga Senate proceedings, ibinasura ng Korte

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang petisyong inihain ni Senator Leila de Lima para makasali siya sa senate proceedings sa kabila ng pagkakakulong nito dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ayon sa kautusan na inilabas ni RTC Branch 205 Judge Liezel Aquiatan, walang merito ang nasabing mosyon kung saan magagamit lamang ang pinagbasehan ng kanyang hiling sa isang public emergency.

Maliban dito, binanggit din ng mga prosecutors na hindi rin pinayagan noon ang mga dating senador na sina Bong Revilla, Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada sa kaparehong isyu.


Suportado rin ng legal opinion ni De Lima ang nasabing pagpapasya noong kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).

Una ng hiniling ni De Lima na makasali sa mga sesyon at pagdinig ng Senado sa pamamagitan ng teleconferencing.

Facebook Comments