Manila, Philippines – Pagbobotohan na ng Korte Suprema sa Oktubre ang kaso ni Senador Leila de Lima.
Sa en banc session, nagkasundo ang mga mahistrado na pagbotohan sa October 10 ang petisyon ni De Lima na kumukuwestiyon sa utos na pagpapaaresto sa kanya ng Muntinlupa Regional Trial Court sa kasong droga na isinampa ng DOJ.
Sa kanyang petisyon, hiniling ni De Lima na maisantabi ang warrant of arrest na inisyu ng Muntinlupa RTC at magpalabas ng writ of prohibition na pumipigil sa hukom na magdaos ng proceedings sa kaso.
Ito ay hangga’t hindi pinal na nareresolba ang kanyang Motion to Quash.
Nais din ni De Lima na magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o TRO para pigilan ang pag-usad ng pagdinig, at para mag-isyu ng status quo ante order para mapawalang-bisa ang arrest order laban sa kanya.