Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Solicitor General Jose Calida at ng kanyang pamilya na humihiling na pigilan ang Senado sa pag-iimbestiga sa mga kontratang pinasok ng pag-aari nilang security agency sa mga ahensya ng gobyerno.
Idineklara ng SC na moot and academic ang kaso dahil nagsara na ang 17th Congress noong June 4, 2019.
Ayon pa sa Korte Suprema, natapos na rin ni Trillanes ang kanyang dalawang termino bilang Senador.
Kinuwestiyon ni Calida at ng kanyang pamilya ang Proposed Senate Resolution No. 760 dahil hindi naman ito naglalaman ng intended legislation.
Layunin lamang aniya ng nasabing resolusyon na imbestigahan ang anumang conflict of interest kaugnay sa award ng government contracts sa Vigilant Investigative and Security Agency Inc, ang kumpanyang pag-aari ni Calida at ng kanyang pamilya.