Manila, Philippines – Naghain ng petition for certiorari sa Court of Appeals ang NOW telecom matapos ibasura ng Manila Regional Trial Court noong Lunes ang kanilang hirit na pigilan ang bidding ng National Telecommunication Commission para sa 3rd Telco player.
Inireklamo nila ng grave abuse of discretion si Manila RTC Judge Dinnah Aguila Topacio matapos hindi pagbigyan ang kanilang petition for TRO and Injuction laban sa Terms of reference ng NTC para sa 3rd Telco player.
Nai-raffle ang petisyon ng NOW Telecom sa 12th division ng Appellate Court.
Una nang naghain ng petisyon sa Manila RTC ang NOW para pigilan sana ang bidding ng third telco kahapon subalit hindi sila kinatigan ng lower court.
Bunga nito, naging provisional 3rd telco ang Udeña ni Davao-based businessman Dennis Uy.