Naghain ng petisyon ang grupong United Filipino Consumers and Commuters o UFCC para ipa-audit ang Cagayan de Oro Water District sa Local Water Ulitilities Administration o LWUA.
Pinangunahan ni UFCC National Presidente Rj Javellana ang paghahain ng petisyon ngayong umaga.
Nais ng UFCC, na silipin ng LWUA ang aniya ay kapabayaan ng naturang water district at malaking pagkakautang na hindi nabayaran mula sa Cagayan de Oro Bulk Water Inc.
Laman din ng petisyon ng grupo ang mataas na non water revenue ng Cagayan de Oro Water District na ipinababalikat sa mga consumers.
Noong 2021, naitala ang 55.39% na non water revenue habang 50.05% noong 2022 kung saan ang nawalang halaga ay umaabot na sa 765.268 milyong piso.
Sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) noong 2023, pumalo sa 150% ang nasasayang na tubig.
Batay aniya sa report ng COA, ang mga board of directors ng Cagayan de Oro Water District ay tumanggap ng kanilang mga sweldo sa mga board meeting ngunit walang maipakitang opisyal na talaan sa kanilang minutes of meeting.
Dahil dito, hinihingi ni Javellana ang LWUA na manghimasok na sa problema ng naturang water district at agad isailalim sa audit upang maaksyunan ang napakaraming problema sa pamamahala nito.