Isinusulong ng Kongreso ang pagdinig kaugnay sa petisyon para sa taas-sahod.
Ayon kay House Committee on Labor and Employment Chairman Fidel Nograles, pinagtutuunan nila ang pagtalakay sa nasabing panukala dahil sa patuloy na inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Dagdag pa niya, 45% ng mga Pilipino ang nanawagan na ng taas-sahod batay sa survey ng Pulse Asia.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga manggagawa dahil kakailanganin ng mahabang diskusyon ang naturang panukala upang mabalanse ang iba’t ibang interes ukol dito.
Facebook Comments