
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang ilang mga abogado at mga environmentalist laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno para ipanawagan na maglabas ng Writ of Kalikasan.
Ayon sa isa sa petitioners na si Atty. Ariel Inton, bilyun-bilyong pisong halaga ng pondo ang nasasayang gayong hindi naman natutugunan ang problema sa pagbaha.
Hindi na rin aniya kailangan pang pondohan ang flood control projects sa susunod na taon lalo’t may mga pondo nang inilabas pero hindi ginamit nang tama.
Kaya sa ngayon, dapat i-back job o trabahuhin muli ng contractors ang kanilang mga proyektong palpak o kaya naman guni-guni lamang.
Respondents sa petisyon ang Office of the President, Senado, Kamara, Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga Local Government Unit (LGU) at mga contractor na may kinalaman sa flood control projects.









