PETISYON SA DAGDAG TAKE-HOME PAY NG MGA MINIMUM WAGE EARNER SA ILOCOS REGION, PINAMAMADALING APRUBAHAN NG ILANG LABOR GROUPS

Ang mga minimum wage earner sa Ilocos Region ng pagtaas sa kanilang daily take-home pay.
Kaugnay nito ay naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para itaas ng P420 ang sweldo ng mga manggagawa sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan at La Union.
Sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza, ang daily minimum wage na P340 sa Ilocos region ay mas mababa sa kinakailangang pang-araw-araw na kita para sa isang pamilyang may limang miyembro upang mabuhay sa harap ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain at serbisyo.

Umapela siya sa Department of Labor and Employment at Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na agad na pagbigyan ang kanilang petisyon.
Sinabi pa nito na ang RTWPB ay may mandato na tiyakin na ang mga manggagawa ay tumatanggap ng sahod na magtitiyak sa kanila ng disenteng buhay.
Aniya, ang kasalukuyang take-home pay sa rehiyon ay kayang bayaran ng pagkain na nagkakahalaga lamang ng P12.44 para sa bawat miyembro ng isang pamilya na may limang miyembro.
Samantala, ang huling dagdag sahod na ipinagkaloob sa mga manggagawa sa rehiyon ng Ilocos ay noong Oktubre 2019, na mula P17 hanggang P30. | ifmnews
Facebook Comments