Petisyon sa Pagpapatayo ng Gasolinahan, Ibinasura ng Committee on Laws!

Cauayan City, Isabela – Ibinasura ng Committee on Laws and Good Governance ng Sangguniang Panlungsod ng Cauayan City ang  petisyon ni Exuperio Flores kaugnay sa pagpapatayo ng gasolinahan malapit sa isang pribadong paaralan sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Ayon kay Sangguniang Panlungsod Member Bagnos Maximo Sr, Chairman ng Committee on Laws and Good Governance, na natupad at pumasa sa zoning ordinance ang planong gasolinahan at wala umanong sapat na dahilan upang pagbawalan ang may-ari na ipagpatuloy ang konstraksyon nito.

Unang naghain ng petisyon si ginoong Exuperio Flores, presidente ng Our Lady of the Pillars College, sa pagpapatayo ng gasolinahan na malapit mismo sa nasabing paaralan na aniya’y maaring panganib ang gasolinahan sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at guro.


Ang gasolinahan na kasalukuyan  ang konstraksyon malapit sa nasabing paaralan ay pag-aari nina Victorino Dy at Alvin Dy.

Samantala nakatakdang isalang sa plenaryo sa susunod na pagpupulong ng mga kasapi ng SP ang naturang committee report upang pag-aralan at pagtibayan ng konseho ng Cauayan City.

Facebook Comments