Petisyon sa SC laban sa pagpapatuloy ng martial law puro lumang argumento – Palasyo

Manila, Philippines – Minaliit lang ng Palasyo ng Malacañang sa mga argumento sa inihaing petisyon ni Congressman Edcel Lagman sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, halos wala namang pinagbago ang mga nilalaman ng petisyon na kumokontra sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao.

Sinabi din ni Panelo na kung ang argumento ni Lagman ay ang kawalan ng mga nahuhuling rebelde sa Mindanao ay ito din ang dahilan kung bakit kailangang ipagpatuloy ang martial law dahil ibig sabihin nito ay patuloy pa rin ang rebelyon.


Binigyang diin din naman ni Panelo na tiwala pa rin sila na kakatigan ng Korte Suprema ang pagpapatuloy ng martial law sa Mindanao at ibabasura ang petisyong kumokontra dito.

Facebook Comments