Petisyon ukol sa same-sex marriage, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon sa same-sex marriage sa bansa.

Sa petisyong inihain ni Atty. Jesus Falcis III, unconsitutional ang probisyon sa Family Code of the Philippines na naglilimita sa kasal sa pagitan ng lalaki at babae.

Base sa desisyon ng kataas-taasang hukuman, bagamat sang-ayon sila na hindi dapat nililimitahan ng saligang batas ang mga gustong magpakasal batay sa kanilang kasarian, pinuna nila ang petisyon dahil ito ay ‘lack of standing,’ paglabag sa prinsipyo ng Hierarchy of Courts at kabiguang magbanggit ng kontrobersiyang aktwal at maaaring hatulan.


Iginiit din ng Korte Suprema na ang Kongreso ang sumagot kung dapat bang opisyal na kilalanin ang relasyon ng mga same-sex couple.

Posible ring managot si Falcis at kanyang mga kapwa Konseho sa indirect contempt dahil sa hindi pagsunod sa court procedure at decorum.

Facebook Comments