Petisyong humihirit na isapubliko ang health records ni PRRD, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na humihirit na maisapubliko ang health records ng Pangulong Duterte.

Ito ang naging desisyon ng mayorya ng mga mahistrado ng Supreme Court sa isinagawa nilang Special En Banc session kanina.

13 sa 15 mahistrado ng Korte Suprema ang bumoto para maibasura ang petisyon na inihain ni Atty. Dino De Leon.


Mayroon namang dissenting opinion sina Associate Justices Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Hindi rin pinagkokomento ng Supreme Court ang respondent sa kaso.

Nag-ugat ang kasong ito sa inihaing petisyon ni Atty. De Leon noong April 13, na humihirit sa Korte Suprema na utusan ang Pangulong Duterte o ang Office of the President sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na isapubliko ang resulta ng medical, psychological at psychiatric examination ng Pangulo mula nang maupo ito sa puwesto sa Malacañang.

Facebook Comments