Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong pumipigil sa pagbili at paggamit sa COVID-19 vaccine ng Sinovac mula sa China.
Nagmula ang petisyon sa grupo ni dating Mayor Pedrito Nepomuceno ng Boac, Marinduque kung saan nilalaman na dapat munang magsagawa ng trials ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) bago payagan ang anumang bakuna.
Ayon sa high tribunal, bigo ang mga petitioners na tukuyin ang batas na pumapabor sa kanilang kahilingan.
Habang binigyang diin din ng korte suprema ang Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act kung saan ang pangulo ng bansa ang may kakayahan para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Facebook Comments