Nasa walong minimum wage hike petitions na ang naihain ng iba’t ibang labor groups bilang panawagan sa mas mataas na sahod dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Sabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez, mayroong petisyong umento sa sahod ang nakabinbin sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas.
Ayon kay Benavidez, karamihan sa mga ito ay inihain noong Pebrero at Marso maliban sa isang petisyon para sa umento ng sahod sa Metro Manila noong Disyembre ng nakaraang taon.
Noong nakaraang taon, inaprubahan ang minimum wage increase sa 16 na regional wage boards kung saan kasama rito ang mga domestic workers.
Facebook Comments