Petition for bail ni dating Senator Jinggoy Estrada, pinagtibay ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Sandiganbayan Special Fifth Division ang nauna nitong resolusyon na igawad ang petition for bail ni dating Senator Jinggoy Estrada.

Kasabay nito, ibinasura ng korte ang motion for reconsideration ng prosekusyon dahil sa kawalan ng merito na umaapela na mabaligtad ang naunang desisyon ng Sandiganbayan.

Batay sa 4 na pahinang resolusyon na inilabas ngayon ng korte, “in order” umano na payagang makapagpiyansa ang dating senandor.


Bigo ang prosecution na makapagprisinta ng sapat na ebidensya para tukuyin kung paano nagkaroon ng conspiracy, kung sino ang mastermind sa plunder scheme, at kung sino ang nakinabang dito.

Wala ring bagong argumentong na iprinisinta ang prosekusyon kung kaya’t walang dahilan para baligtarin ang naunang desisyon ng korte na makapagpyansa si Estrada.

Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at 11-counts ng kasong graft dahil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng PDAF nito sa taong ‎2004-2012.

Facebook Comments