Petition for writ of kalikasan vs konstruksyon ng international airport sa Bulacan, binasura ng Korte Suprema

64

Ibinasura ng Supreme Court (SC) en banc ang petitition for writ of kalikasan na inihain ng mga mangingisda at civil society groups laban sa konstruksyon ng international airport sa Bulacan.

Ibinasura ng SC ang petisyon laban sa San Miguel Aerocity, Inc., dahil sa kakulangan ng merito matapos mabigong mag-comply sa required form at substance.


Ang petisyon ay inihain ng Oceana sa pamamagitan ng abogadong si Gloria Estenzo Ramos, Company Vice President, mga mangingisda na naka-base sa Bulacan na pinangunahan nina Teodoro Bacon at Rodel Alvarez, Archbishop Roger Martinez ng Archdiocese of San Jose del Monte at Aniban ng mga Manggagawa sa Agrikultura na pinangunahan naman ni Renato dela Cruz, chairman ng grupo.

Iginiit noon ng petitioners na ang reclamation ng Manila Bay sa lugar ay makakaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda at paglabag din sa environmental laws.

Nanawagan sila ng proteksiyon ng natural life support systems at ang kabuhayan ng mga fisherfolk.

Ang writ of kalikasan ay isang legal remedy na nakadisenyo para protektahan ang constitutional right ng mamamayan para magkaroon ng healthy environment na siya namang ginagarantiyahan ng Philippine Constitution.




Facebook Comments