Petitioners kontra Anti-Terror Act, muling nangalampag sa Korte Suprema

Muling nangalampag sa Korte Suprema ang ilang grupo ng petitioners kontra Anti-Terrorism Law para hilingin na aksyunan na ang kanilang petisyon.

Naghain ng “very urgent motion to resolve application for TRO” ang petitioners na sina Senators Leila de Lima at Francis Pangilinan, mamamahayag na si Ces Doyo, ilang mga abogado at dating mambabatas para himukin ang Korte Suprema na resolbahin na sa lalong madaling panahon ang kanilang petisyon.

Ayon sa petitioners, marapat nang maglabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Mataas na Hukuman lalo’t inilabas na ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Anti-Terrorism Act.


Anila, ang naturang IRR ay labag sa freedom of speech at sa ilang probisyon ng Konstitusyon.

Una nang naghain ng “reiterate motion to resolve” sina Retired Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales para igiit sa Korte Suprema na maglabas na ng TRO upang mapahinto ang implementasyon ng Anti-Terrorism Act.

Sa ngayon, 37 na mga petisyon kontra Anti-Terror Act ang nakahain sa Supreme Court.

Facebook Comments