Ibinasura na ng Korte Suprema ang petition for mandamus na kumukwestyon sa ginamit na source code ng Comelec sa nakalipas na halalan.
Ayon sa Korte Suprema, wala silang nakitang sapat na merito sa consolidated petitions ng Bagumbayan-VNP Movement Inc., ni Sec. Richard Gordon at ng iba pang mga petitioner sa kaso dahil sa maituturing na itong ¨moot and academic.
Partikular ang hirit ng mga petitioner na obligain ang Comelec na gumamit ng digital signatures sa mga electronic election returns at maglagay ng mga basic security safeguards gaya ng source code review, vote verification at random audit.
Ibinasura din ng SC ang indirect contempt charge laban kay dating Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.,
May kaugnaya ito sa naging alegasyon ng petitioners na nabigo raw si Brillantes na makasunod sa pangako nito sa sc na gagawing available ang source code para sa review .
Pero ayon sa SC, ang ipinangako lamang ni Brillantes at ang pagpayag nito at ng Comelec na ma-review ay kung makakasunod ang mga partido sa lahat ng requirements.