Inaasahang makakapag-ambag ng ₱215 billion na kita ng bansa ang petrochemical industry sa susunod na taon.
Kahapon, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inagurasyon ng expanded JG Summit Petrochemicals Manufacturing Complex sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaki ang maiaambag ng naturang industriya sa ekonomiya ng bansa.
Maituturing din aniya itong major contributor sa industriya na may kabuuang 6,200 direct at indirect employees.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, pangunahing koneksyon din aniya ang Petrochemical Industry bilang pagpapaangat ng value chain ang titiyak sa suplay ng materyales para sa plastic packaging ng pagkain, mga damit, appliances, sasakyan, at electronic devices.
Pinapurihan din ng pangulo ang mga makabagong teknolohiya ng planta na nagpapakita ng mataas na kakayahan ng mga Pilipino at mataas na kumpiyansa ng mga negosyante para palakasin ang sektor ng manufacturing.