Itinutulak ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na bawiin o bilhin ng gobyerno ang Petron Corporation.
Ito ay dahil na rin sa pitong magkakasunod na taas sa presyo ng mga produktong petrolyo at langis sa bansa.
Naniniwala si Zarate na kung bibilhin at mapapasailalim sa kontrol ng pamahalaan ang Petron ay ma-re-regulate ang oil industry at makokontrol ang presyo ng produktong petrolyo.
Ang Petron ay dating pag-aari at kontrolado ng estado at kasalukuyang pinakamalaki at tanging oil refining at marketing company na publicly listed kaya kung maibabalik ulit sa pamahalaan ay malaki ang epekto nito para mapagaan ang oil prices.
Simula 15th Congress ay isinusulong na ng Bayan Muna sa Kamara ang pagbabalik ng Petron sa pamahalaan at ngayong 18th Congress ay nakapaloob ito sa inihaing House Bill 4711 o Renationalize Petron bill.
Sakaling maging batas ay layon din nito na makontrol ang cartel at monopolyo ng presyo ng langis sa bansa.