Petron, magtataas sa presyo ng LPG mamayang hatinggabi

Taas-presyo sa halaga ng LPG ang sasalubong sa consumers sa unang araw ng Hulyo.

Nag-abiso kasi ang Petron Corporation na magtataas sila ng ₱5.20 kada kilo o ₱57.20 kada 11-kg na tangke ng LPG simula alas-12:01 mamayang hatinggabi.

Bukod dito, ₱2.90 kada litro ang itataas sa presyo ng AutoLPG.


Facebook Comments