Petron, may taas-presyo sa LPG ngayong unang araw ng Marso

May taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong unang araw ng Marso.

Epektibo kaninang alas dose ng tanghali, nagtaas ng ₱0.30 kada kilogram ng LPG ang kompanyang Petron.

Katumbas ito ng ₱3 dagdag presyo sa 11-kilogram na LPG cylinder.


Ayon sa Petron, ang taas presyo ay dahil sa pagmahal ng contract price ng LPG sa international market.

Maliban sa Petron, wala pa namang anunsyo ang ibang kompanya kaugnay sa price adjustment ng LPG products.

Batay sa datos ng Department of Energy, naglalaro ngayon sa ₱920 hanggang ₱1,100 ang 11-kilogram ng LPG cylinder sa Metro Manila.

Facebook Comments